Tzu Chi Foundation Philippines

Thursday
Oct 23rd
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

Mga lolo, lola, at kawani ng Anawim, pinangiti ng Budistang pangkat

E-mail Print PDF

Upang maabot ang mas maraming mahihirap na pasyente, ang Tzu Chi Foundation, Philippines ay inilunsad ang ika-215 Mobile Dental Service sa Anawim Lay Missions Foundation, Inc., bilang tahanan ng mga matatanda noong Marso 20. Sa larawan, si Lola Georgina "Gina" Espina ay nagpapabunot ng ngipin mula sa isang dentista ng Tzu Chi International Medical Association. Maliban sa libreng serbisyo, nagpapasalamat si Lola Espina sa libreng mga damit na ipinagkaloob sa kanila ng Budistang 【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】


  • Sa ika-215 Mobile Dental Mission ng Tzu Chi Foundation, Philippines, naging benepisyaryo ang mga lolo, lola at kawani ng Anawim Lay Missions Foundation, Inc. ng Rodriguez, Rizal noong Marso 20.

  • Si Lola Caridad "Caring" Aguirre ay humahanga sa Budistang pangkat para sa pagmamahal at pakikisama ibinibigay ng pangkat sa kanila.
  • Tinatayang 10 lolo at lola, at 33 kawani ng tumanggap ng libreng serbisyong dental na kung saan 23 ang nagpalinis ng ngipin, 11 ang nagpabunot ng ngipin, 7 ang nagpapasta, at dalawang matanda ang nagpalinis ng pustiso.

Masasalamin ang kagalakan sa mga lolo, lola at kawani ng Anawim Lay Missions Foundation, Inc. ng bumisita muli ang Tzu Chi Foundation, Philippines upang magsagawa ng ika-215 Mobile Dental Mission sa nasabing lugar noong Marso 20.

Bumisita ang Budistang pangkat upang maghandog ng libreng tulong-dental sa mga matatandang naninirahan sa Anawim at maging ang mga kawani nitong walang sawang kumakalinga sa kanila.

Ang Anawim Lay Missions Foundation, Inc. ay itinatag noong 1996 sa Sitio Tanag, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal na tumutulong sa mga matatandang naabandona o walang mga kasama sa buhay. Tinatayang mayroong 49 lolo at lola ang naninirahan dito sa kasalukuyan.

Sa pagsisimula ng misyon, si Tzu Chi volunteer Kalam Chan ay ibinahagi sa mga kawani at ilang mga matatanda ang tungkol sa Tzu Chi.

Binanggit ni Chan ang tungkol sa mga misyon ng pangkat lalo na ang pagtulong sa kapwa na pinangunahan ng Budistang madreng si Master Cheng Yen, tagapagtatag ng Tzu Chi.

Matapos ng pagbabahagi, limang Tzu Chi International Medical Association (TIMA) dentists at 28 Tzu Chi volunteers, kawani at dental aides ang nagtulung-tulungan sa paghahatid ng libreng serbisyo sa mga residente ng Anawim.

Ayon kay Lola Caridad "Caring" Aguirre, 87, na nagpalinis ng kanyang ngipin, labis niyang ipinagkakatiwala ang kanyang ngipin sa mga TIMA dentist, "Mahusay ang paglilinis nila ng aking ngipin. Hindi ko ito pinapalinis nang basta-basta sa iba. Ngunit nagtitiwala ako sa husay ng mga dentistang ito."

Humahanga si Lola Caring para sa pagmamahal na natatanggap nila mula sa mapagkawanggawang pangkat, "Humahanga ako sa kanilang pakikisama at pagmamahal nila sa amin dito sa Anawim at bilang ganti ay iingatan ko ang aking ngipin."

Samantala, matapos magpalinis ng mga lolo at lola, tumanggap din ng libreng serbisyong dental ang mga kawani ng Anawim.

Isa sa mga kawaning nagpalinis ng ngipin ay ang dating care giver na piyanista na ngayon sa Anawim na si Lolo Wilfredo "Willy" Aguirre, nakababatang kapatid ni Lola Caring.

Hindi man siya naninirahan sa Anawim tulad ni Lola Caring, para sa kanyang mahigit 15 serbisyo dito, mahalaga rin sa kanyang makitang naiibsan ang problemang dental ng mga lolo, lola at kawani ng nabanggit na lugar.

"Mahusay ang serbisyo ng mga dentista at pakiramdam ko ay nawala lahat ng dumi sa aking ngipin. Masaya ako dahil nabigyan kami ng libreng serbisyo dito sa Anawim," sambit ng 80 taong gulang na piyanista.

Bukod sa paghahandog ng libreng serbisyong dental, personal na tumungo sa bawat tahanan ang mga volunteers at dentista upang mamahagi ng saging, at mga damit at libro sa mga lolo at lola.

Ang 70 taong gulang na si Lola Georgina "Gina" Espina, nagpabunot ng ngipin, ay natutuwa para sa blusa at tsinelas na kanyang natanggap.

"Itatago ko ang inyong bigay sa akin. Lubos ang aking kasiyahan na mayroon na ulit kaming bagong damit," nakangiting sinabi ni Lola Gina.

Sa simpleng kasiyahang hatid ng Budistang pangkat, si Lola Gina, walang asawa at dating kusinera, ay hinayag ang kaginhawang hatid ng serbisyo sa kanya, "Salamat sa Diyos at hindi masakit magbunot ng ngipin ang mga dentista. Paggaling ng aking ngipin, kakain ako ulit ng hinog na mangga," pabirong sinabi ni Lola Gina.

Dagdag pa niya, nagagalak si Lola Gina na binibisita sila ng mapagkawanggawang organisasyon, "Wala man kaming mga apo, nagpapasalamat ako sa kanila dahil binibisita nila kami. Maganda silang makitungo kaya sana ay ipagpatuloy ng Tzu Chi ang kanilang pagtulong sa amin."

Sa naganap na gawain, 10 lolo at lola, at 33 kawani ang mga naging benepisyaryo kung saan 23 ang nagpalinis ng ngipin, 11 ang nagpabunot ng ngipin, 7 ang nagpapasta, at dalawang matanda ang nagpalinis ng pustiso.

Bago matapos ang misyon, ang mga lolo at lola ay naghandog ng mga awitin bilang pasasalamat sa kabutihan ng mga dentista at volunteers.

Kinakausap ng isang kawani ng Tzu Chi ang mga residente ng Anawim Lay Missions Foundation, Inc., habang naghihintay na sumailalim sa serbisyong dental. Sa kasalukuyan, 49 matatanda ang inaalagaan ng naturang sentro. 【Photo by Liezl Baldoza】

Isang lolang katatapos lamang magpabunot ng ngipin ay makikitang binibigyan ng mga gamot ng isang Tzu Chi volunteer.  Bago iabot ang mga gamot, nagpapaalala rin ang mga dentisra upang matiyak na ang mga matatanda ay iinumin nang tama ang mga ito.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Serbisyo ng pagmamahal – ito ay makikita sa larawan habang ang isang dentista ng TIMA ay itinaas ang kanyang hinlalaki, ang sign laguage ng Tzu Chi para sa 'maraming salamat'. Ang unang nabanggit ay nakapaglingkod sa kanyang kababayan sa pamamagitan ng ika-215 mobile dental service ng Tzu Chi Foundation noong Marso 20. 【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

Kasama ang pagmamalasakit, ang dalawang dentista ng TIMA ay pinapakalma ang lolo na magpapabunot ng kanyang bulok na ngipin. Maliban sa mataas na kalidad ng serbisyo at libreng gamot, tinitiyak ng Tzu Chi Foundation na ang bawat benepisyaryo ay mararamdaman ang pagmamahal at pagkalinga.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang residenteng piyanista ng Anawim Lay Missions Foundation, Inc., na si Lolo  Wilfredo "Willy" Aguirre ay nagbabasa ng pahayagan ng Tzu Chi na ipinagkaloob sa kanila ng Tzu Chi volunteers. Si Lolo Willy ay nagpapasalamat sa foundation  para sa pagbisita sa kanila at paglulunsad ng libreng serbisyong dental sa mga residente at kawani ng Anawim.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

Ang Tzu Chi volunteer na si Kalam Chan kasama ang mga kapwa volunteer ay ipinakikita ang thermal blanket na yari sa 80 piraso ng 1.5 litro ng PET bottles. Ang itinatapong bagay ay ipinoproseso sa pamamagitan ng Da Ai Technology ng Tawain upang gawing kapaki-pakinabang tulad ng unang nabanggit na kagamitan.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Isang dental aide ng Tzu Chi ay sinusuri ang blood pressure ng isang kawani ng sentro. Maliban sa mga residente ng Anawim Lay Missions Foundation, Inc., binigyan din ng pagkakataon ang mga kawani ng sumailalim sa libreng serbisyong dental na inilalaan sa ika-215 mobile dental service ng Tzu Chi Foundation noong Marso 20.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

Pinangungunahan ng limang dentista ng TIMA  ang mga serbisyong dental para sa mga benepisyaryo ng Anawim Lay Missions Foundation, Inc., sa ginanap na ika-215 mobile dental service ng Tzu Chi. Ang mga dentistang ito ay nag-aalay ng libreng mga serbisyo tulad ng bunot ng ngipin, linis at pasta.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang 80 anyos na si Wilfredo "Willy" Aguirre ay sumasailalim sa oral prophylaxis mula sa isang dentista ng TIMA. Si Lolo Aguire ay pinupuri ang magandang serbisyong dental na kanyang naranasan sa unang pagkakataon mula sa Budistang organisasyon. 【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

Si Lola Caridad “Caring” Aguirre, 87, ang nakatatandang kapatid ni Lolo Willy Aguirre, ay nagpapalinis ng ngipin. Bilang sukli sa kabaitan ng mapagkawanggawang foundation, aalagaan na niya ang kanyang mga ngipin at iiwasang kumain ng mga matitigas na pagkain.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 



 

 

 

Tumatanggap ng damit mula sa Tzu Chi volunteer na si Kalam Chan si Lola Caridad “Caring” Aguire na sumailalim sa pagpapalinis ng ngipin. Sinabi niyang nagtitiwala siya sa mga dentista ng TIMA na naglaan sa kanila ng kalidad na serbisyo. 【Photo by Liezl Baldoza】

Ang  isang dentista ng TIMA ay nagpapakita ng kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa sa mga lola mula sa  Anawim Lay Missions Foundation, Inc., sa pamamagitan ng pagbibigay ng rosaryo bilang regalo. Binisita ng Tzu Chi Philippines ang mga matatanda noong Marso 20 at naglunsad ng ika-215 mobile dental service.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 



 

 

 

Sapagkat batid nilang mahirap para sa ilang mga residente na bumangon, ang mga Tzu Chi volunteers at dentista ay personal na pumunta sa bawat silid at inabot ang mga regalo sa kanila.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

Ang 101 taong gulang na lolang ito ay natutuwa sa magandang headband na ibinigay sa kanyang ng isang Tzu Chi volunteer. 49 residente ng Anawim Lay Missions Foundation, Inc., ang binisita ng mapagkawanggawang pangkat noong Marso 20 at pinagkalooban ng mga libreng serbisyong dental.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nag-aabot ng saging sa isang lolo ng  Anawim Lay Missions Foundation, Inc. ang Tzu Chi volunteer na ito. Tanging pasasalamat ang sinasabi ng mga matatanda sa foundation para sa walang pag-iimbot na pagbibigay ng oras at pagpapadama sa kanila ng pagmamahal at pagkalinga.【Kuhang larawan ni Liezl Baldoza】

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Last Updated ( Thursday, 23 May 2013 09:11 )  

Jing Si Picture Gallery

JOIN TZU CHI

Are you prepared to put your kindness into actions and join Tzu Chi in promoting the goodness and beauty of mankind?
You are always welcome to join our Tzu Chi’s Great Love missions by becoming a member or volunteer. Please contact the Tzu Chi location near you.
    Twitter Image

    By P Web Design Company

    103.jpg







    Leatherman Wave Shamballa Bracelet